Thursday, June 12, 2008

pilipino!ika-sandaa't labing limang taong kalayaan!


para sa mga nagbuwis ng buhay sa kalayaan mo inang bayang pilipinas. kami nagpupugay sa kanilang naging handog para sa aming lahat.

para sa akin,kahit na medyo pilit yung tagalog ko, sa kadahilanang ngayon ang araw ng kalayaan ng aking bayan akoy dapat magbigay galang at gamitin ang sariling wikang pilipino.

ako po ay na-engganyong magsulat ng pagpupugay sa bayang pilipinas dahil sa radyong aking pinakikinggan.kagaya nila kahit man lang sa maliit na bagay ng pagsulat tungkol sa aking bayan ay maiparating ko ang aking pagmamahal sa bayan ko.ang radyo po sa kasalukuyan ay nagpapatugtog ng mga musikang pinoy patungkol sa kultura kagaya ng mga awit ng rivermaya -"bandila" at tropical depression-"ang himig natin" at iba pang kawili-wiling tugtuging pinoy.

ang bayan kong pilipinas ay dumaan sa tatlong mga banyaga na walang habas na nakinabang sa angking kagandahan ng pilipinas at sa mga pilipino.ito po ay mariin kong tinututulan.kung ako may mabuhay sa mga araw na nagdaan sa panahon ni rizal,marahil ako ang ka-akibat nila mabini at rizal sa pakikibaka laban sa mga kastila.o di kaya sa maliit na paraan ng pag-papatalim ng itak ni bonifacio ay makatulong ako.

o di kaya sa pagpupursigi ni quezon na maging malaya sa mga amerkano ako ang tigtimpla ng kanyang kape ng makapag-isip siya ng tama. o di kaya ay mag-suhestyon ng pag-aklas laban sa mga amerkanong yan pag di nila pagbigyan na tayoy maging malaya.mabuti nalang at pumayag sila.

o di kaya akoy maging kaakibat din ni abad santos at iba pa laban sa mga hapon. akoy mag-aastang ninja ala naruto at makikibaka sa mga singkit na yun.hehe

wala akong magawa sa kasalukuyan kung di ang dalhin ang pagiging pinoy sa lahat ng aking gawa.at ipagmalaki ito. kahit na naghihikahos na ang bayang ito at ang walang awang pagmahal ng bigas(na talagang takot na takot ako) ay taas noo parin akong magsasabing--"akoy noypi!"

No comments: